Karamihan satin ay nangangarap na maging sarili nating amo. Yun nga
lang hindi tayo hinubog sa ganuong pag-iisip. Mula sa ating pagkabata ay
pinalaki na tayo sa kaisipang mag-aral tayo ng mabuti para balang-araw
ay magkaroon tayo ng magandang trabaho na may maganda ring sweldo.
Sinanay tayo sa ganuong mentalidad. At sa kasalukuyang sitwasyon ng
ekonomiya ng buong mund
o, marami ang
natatakot mamuhunan. Marami ang natatakot sa idea ng pagkalugi. Hindi
pwedeng maging empleyado lang tayo habambuhay. Kapag nagnegosyo ka, ikaw
ang nagbibigay trabaho sa sarili mo, at ikaw din ang magbibigay
hanapbuhay sa iba. Pwedeng ikaw ang gumawa ng sarili mong schedule ng
pagtatrabaho, yun nga lang kelangan mong sagutin ang mga demands ng mga
clients mo. Ikaw ang gagawa ng sarili mong house rules sa trabaho. Lahat
ng bagay kontrolado mo. Masarap ang pakiramdam ng pagkakaroon at ang
pagpapatakbo ng sarili mong negosyo. Napapagana mo ang mga plinano mong
mga bagay para sa negosyo mo. At ang pagbibigay hanap-buhay sa iba at
ang pagsasanay sa kanila para balang- araw ay magkaroon din sila sarili
nilang negosyo ay isang malaking bagay.
No comments:
Post a Comment